Umaapela si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa telecommunication companies na ipagpatuloy ang pakikipagbalikatan sa pamahalaan para sa patuloy na pagsusulong ng digitalization sa bansa.
Sa 23rd International Cable Congress and Exhibit of the Federation of the International Cable Television and Telecommunication Association of the Philippines (FICTAP), muling ipinunto ng pangulo na nahuhuli na ang bansa sa usaping digitalization.
Ayon sa Pangulo, upang mapanatili ang lumalagong ekonomiya ng Pilipinas kailangang matulungan ng gobyerno ang maliliit na industriya sa bansa sa pamamagitan ng digital platforms, upang mapaigting ang kanilang serbisyo.
βIf we are to sustain our soaring economy, we must help small to medium-scale industries in using digital platforms to improve their services and to connect with their consumers and also their colleagues in the same industry or in the same line of business.β — Pangulong Marcos
Ang pamahalaan naman ayon kay Pangulong Marcos, patuloy na isusulong ang iba’t ibang inisyatibo sa linyang ito, lalo na ang mga hakbang na makatutulong sa pagpapaigting ng digital infrastructure ng bansa, maging sa pag-abot ng target nito. Alinsunod pa rin sa Philippine Development Plan 2023 -2028.
Sa huli, binigyang diin ng pangulo ang malaking papel na ginagampanan ng industriyang ito, na nakita naman aniya ng lahat sa kasagsagan ng COVID-19, kung kailan napilitan ang lahat na magpatupad ng alternatibo o online set up sa trabaho at pag-aaral.
βThis crucial role of your industry was highlighted and shown in its true importance during the recent COVID-19 pandemic, when you provided hope to many of your fellow Filipinos that utilized your… services and facilities,β βPangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan