Sa pamamagitan ng 307 affirmative votes ay inaprubahan sa plenaryo ng Kamara ang House Bill 7027.
Layunin nitong bigyang proteksyon ang security of tenure ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaan na may valid na appointment oras na ipatupad na ang government reorganization program.
Sa ilalim nito bibigyang prayoridad ang naturang mga opisyal at empleyado na maitalaga sa kaparehong ranggo o mas mataas sa kanilang nakaraan na posisyon.
Sakali naman na walang bukas na posisyon na kapareho ng ranking o mas mataas, ay maaari silang bigyan ng mas mababang posisyon bastaβt ito ay sumusunod sa revised implementing rules and regulations ng batas.
Nakasaad din dito na wala munang bagong empleyado ang kukunin o ipapasok hanggaβt hindi nahahanapan ng bagong posisyon ang lahat ng permanent officers at employees kasama na ang temporary at casual employees.
Sa kasalukuyan, naendorso na sa plenaryo ang panukalang Government Rightsizing Program. | ulat ni Kathleen Jean Forbes