???????? ???? ?-?????????? ??? ?????????? ????????, ?????? ?? ?? ??????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lusot na sa Mababang Kapulungan ang isa sa priority measure ng Marcos Jr. Administration.

Sa botong 304-4-0 tuluyan nang pumasa sa 3rd at final reading ang House Bill 7327 o E-Governance Bill.

Dito, i-didigitize ang napakaraming government records at pabibilisin ang government transaction sa pamamagitan ng paggamit sa digital platform.

Pag-uugnay ugnayin nito ang iba’t ibang ahensya gamit ang information and communications technology (ICT) para sa transparent na pamamahala.

Ipapatupad ito sa executive, legislative, at judicial offices, kabilang na ang mga local government unit (LGU), state universities and colleges (SUCs), government-owned and controlled corporations (GOCC), pati na ang iba pang kinauukulang ahensya na nagbibigay ng mga serbisyong may kaugnayan sa pagnenegosyo, at non-business related transactions.

Bubuo ng isang E-Governance Unified Project Management Office (E-Gov-UPMO) na siyang mangangasiwa sa ICT projects ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Magkakaroon din ng E-Government Master Plan (EGMP) na magsisilbing blueprint para sa paglikha ng lahat ng electronic-Government service process para sa digital transformation.

Kukunin naman ang pondo sa pagpapatupad nito mula sa Spectrum User’s Fees na kinokolekta ng National Telecommunications Commission.

Una nang inihayag ni House Speaker Martin Romualdez, na tugon ito sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na lumipat na ang gobyerno sa digital economy. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us