Sa pamamagitan ng 282 affirmative votes ay tuluyan nang lumusot sa Mababang Kapulungang ang House bill 7414.
Layon nitong palitan ang pangalan ng Literacy Coordinating Council bilang National Literacy Council at palawakin ang kapangyarihan nito upang mapataas ang literacy rate ng mga Pilipino.
Pagbibigay diin ni House Speaker Martin Romualdez, marami sa mga nakatira sa malalayo at liblib na lugar ang walang access sa edukasyon.
Kaya sa pamamagitan ng panukala ay inaasahang maaabot ang kanilang hanay upang maturuan na makapagsulat at makapag basa at mapaunlad ang estado ng kanilang pamumuhay.
Ang National Literacy Council ang mangunguna sa inter-agency coordinating na kabibilangan ng pamahalaang nasyunal, local government units at pribadong sektor.
Magsisilbi naman itong attached agency ng DepEd at ang education secretary rin ang magsisilbing chairperson ng konseho.
Mandato rin ng NLC na magsagawa ng evaluation kaugnay sa estado ng literacy sa bansa, maglatag ng mungkahi kung paano mapalawak ang educational opportunities, gumamit ng modernong paraan ng komonikasyon, educational technology at iba pang inobasyon.
Kabilang din sa programa ang alternative learning system programs, out-of-school youth and adults, persons with disability, indigenous people, at iba pang marginalized sector ng lipunan.
Obligado na magsumite ang konseho ng annual report sa Senate committee on basic education, arts and culture, at House committee on basic education and culture. I via Kath Forbes