?????? ?? ?? ?????? ?? ?????? ??????? ??? ????? ???? ???? ? ?????????????? ?????????? ???

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ito ang panukala na magtatakda ng panuntunan sa itinutulak na β€˜hybrid’ Constitutional Convention upang amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution.

Higit tatlong daan ang magiging delegado sa Con-con, kung saan 20 percent ay sectoral delegats na itatalaga ng Senate President at House Speaker.

Ang elected officials na magmumula sa mga legislative district ay iboboto kasabay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa October 30, 2023.

Tatagal ang termino ng mga delagado mula December 1, 2023 hanggang June 30, 2024.

Obligado namang magsumite ng ulat sa Pangulo at Kongreso ang Con-con sa loob ng 30 araw matapos gawin ang pagbabago o sa July 30, 2024.

Muling binigyang diin ni House Speaker Martin Romualdez na mahalagang ma-amyendahan ang mahigpit na economic provision ng Saligang Batas upang makahikayat ng mas maraming foreign investors at mapaganda ang investment at economic space ng bansa.

β€œWe need more foreign capital to create additional job and income opportunities for our people. Increased investments will sustain our economic growth,” aniya.

Batay sa panukala, idaraos ang unang Con-con alas diyes ng umaga ng December 1, 2023 sa PICC. I via Kath Forbes

May be an image of 2 people, people standing and indoor

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us