?????????? ????, ??????????? ????????? ?? ????? ??? ???? ?? ???? ??????? ?? ????????? ?? ????? ??????? ????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng blood letting activity ang Philippine Army kaalinsabay ng pagdiriwang ng kanilang ika-126 founding anniversary.

Isinagawa ang blood letting activity sa Philippine Army Grandstand, Ricarte Hall at Army Officers Clubhouse sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Suportado ng Armed Forces of the Philippines o AFP Health Service Command ang nasabing aktibidad kung saan nakapagtala ito ng may 1,273 na mga blood donor.

247 na mga blood bag ay ido-donate sa AFP Medical Center habang ang 238 blood bag naman ang ipagkakaloob sa Philippine Red Cross o PRC.

Nakilahok sa nasabing aktibidad ang iba’t ibang major service units ng AFP, gayundin ang mga volunteer mula sa Philippine Coast Guard, Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, Philippine National Police o PNP.

Gayundin ang Bureau of Jail Management and Penology o BJMP, Reserve Officers Training Course o ROTC cadets at AFP Reserve Command. I via Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us