Idineploy na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pinakamalaking barko nito na BRP Melchora Aquino sa Mindoro.
Ito ay matapos na lumubog ang oil tanker na MT Empress sa karagatang sakop ng Naujan, Oriental Mindor.
Ayon sa Philippine Coast Guard, may kapabilidad ang 97 Meter Patrol Ship ng PCG na maging marine pollution platform at maglatag ng mga oil spill1 boom upang makontrol ang langis sa karagatan.
Bukod dito ipinadala na rin ang Tugboat ng PCG na Brp Habagat katuwang ng Dalawang Barko ng Coast Guard ang Malayan Towage
Samantala, naglabas na rin ng direktiba ang PCG sa pagbuo ng isang Crisis Management Committee para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon at karagdagang aksyon ukol sa insidente. | ulat ni Janze Macahilas