Mainit ang ginagawang pagtangkilik ng mamamayan sa tuloy-tuloy na Kadiwa project ng Marcos administration na ang layunin ay makapagbigay ng abot-kayang pangunahing bilihin sa publiko.
Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na sa inilunsad na Kadiwa ng Pangulo kamakalawa sa Cebu ay naiulat ang higit โฑ931,000 sales.
Nasa โฑ412,799 noong February 27 at โฑ518,530 noong February 28.
Lumalabas naman na mula November 5 hanggang December 31 noong 2022 ay pumalo sa โฑ136.14-million pesos ang naitalang kabuuang sales ng Kadiwa project sa buong bansa.
Ito ay sa pamamagitan ng iba’t ibang Kadiwa activities gaya ng Kadiwa Store, Kadiwa Pop-up Store, Kadiwa on Wheels, at Kadiwa ng Pasko.
Una nang sinabi ng Pangulo na natutuwa siya sa mas pinalalawak na Kadiwa project na tiyak aniyang makatutulong hindi lamang sa mga mamimili kundi pati na sa mga mangingisda at magsasaka, ganundin sa maraming mga small enterprise. | ulat ni Alvin Baltazar