Hati ang reaksyon ng publiko sa panukala ng isang kongresista na i-abolish na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon sa mga driver, dapat lang na i-abolish na ang MMDA matapos makaranas ng pang-aabuso sa ilang traffic enforcer.
Pero kung ang tatanungin ang iba bukod sa driver nakikita nila ang maraming pakinabang ng MMDA.
Ayon sa isang emplayado ng MMDA huwag naman sana matabunan ng ilang tiwaling enforcer ang buong trabaho ng MMDA.
Paliwanag nito kapag may kalamidad, nandiyan ang MMDA.
Kahit sa tigil-pasada may libreng sakay ang MMDA, naglilinis din ng mga kanal, Manila Bay, tumutulong sa pagpapatayo ng kalabidad, maasahan kahit ngayong COVID-19 pandemic, at marami pang iba
Sinabi naman ni MMDA OIC Chair Atty. Don Artes, batas ang bumuhay sa MMDA at batas lang din ang makakapagpaalis dito, handa anila sila kung ano ang magiging desisyon ng Kongreso at ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. | ulat ni Don King Zarate