Ngayong unang araw ng transport strike ay sumaklolo na ang Quezon City local government para alalayan ang mga pasaherong nahihirapan sumakay.
Ayon sa LGU, maliban sa walong ruta ng QCity Bus na araw-araw namamasada, nagdagdag din ito ng iba pang mga ruta kung saan inaasahang maraming pasahero.
Kasama rito ang mga sumusunod na lugar: Cubao, Commonwealth Avenue, Welcome Rotonda, Novaliches Bayan, LTFRB, East Avenue, Quezon Memorial Circle, at Fairview.
Sa Philcoa, maaga ring naghakot ng mga pasahero ang libreng sakay ng LGU na pumasada patungong Welcome Rotonda.
Bukod dito, naglaan din ng libreng sakay na modern jeep ang kumpanyang beep transport para sa mga pasahero dito sa Philcoa
Ayon kay Atty. Vigor Mendoza, Chair, BEEP Transport, batid nitong maraming pasahero ang mahihirapan sumakay pa-quiapo dahil sa strike ng ilang PUJs. | ulat ni Merry Ann Bastasa