Sa botong 301 na pabor, anin na hindi, at isang abstention, pinagtibay ng Kamara ang Resolution of Both Houses 6.
Ang Resolution of Both Houses 6 ang resolusyon na nagpapatawag ng βhybridβ Constitutional Convention (Con-Con) para amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution.
Sa ilalim nito, hiwalay na boboto ang Kamara at Senado, na may two-thirds vote ng lahat ng miyembro upang magpatawag ng isang Constitutional Convention para sa panukalang Charter Change.
Nakasaad sa resolusyon na tanging economic provisions lamang ng Saligang Batas ang isasailalim sa amyenda.
Isasabay ang botohan ng Con-con delegates sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa October 30, 2023.
Naisalang naman na sa plenaryo ang House Bill 7352 o accompanying bill ng RBH 6, na nagtatakda ng mga panuntunan sa pagdaraos ng Con-con.
Una nang tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez, na lilimitahan ng Kamara sa restrictive economic provisions ang pagbabago sa Konstitusyon upang bigyan-daan ang pagpasok ng foreign investments sa bansa.
βWe need additional investments that would create more job and income opportunities for our people. We need increased capital to sustain our economic growth momentum,β saad ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Forbes