Hindi basta-basta maaaring magpatupad ng rigodon sa ahensya ng pamahalaan para lang masolusyunan ang isyu sa hoarding at smuggling.
Tugon ito ni Cavite Representative Elpidio Barzaga nang matanong ng Radyo Pilipinas kung irerekomenda ba ng Kamara kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., bilang tagapamuno ng Department of Agriculture ang pagkakaroon ng reshuffling o rigodon sa mga tauhan ng ahensya.
Bunsod na rin ito ng pahayag ni Barzaga, na tila embedded o malalim na ang koneksyon ng tinaguriang โMrs. Sibuyasโ o ‘Sibuyas Queen’ na si Leah Cruz kaya’t nasangkot muli ito sa isyu ng hoarding ng agricultural product.
Paliwanag ng mambabatas, kailangan muna ng matibay na ebidensya na sangkot ang isang opisyal o kawani ng pamahalaan.
Bukod dito, batay sa Civil Service Law, hindi maaaring galawin sa pwesto ang isang government employee nang walang due process.
Ngunit iba naman aniya ang sitwasyon para sa mga appointed official na maaaring alisin ng pangulo sa pwesto.
โSa aking pananaw kinakailangan, mayroon tayong ebidensya. Kasi baka mayroong maapektuhan na civil service employees na eligible. Kinakailangan may due process sa kanila. Hindi katulad ng secretaries, undersecretaries, that they are appointed by the president on the basis of the sole discretion of the president. They are not governed by the civil service rules,โ paliwanag ni Barzaga.
Martes, March 7 ay ipagpapatuloy ng House Committee on Agriculture and Food ang motu proprio investigation nito patungkol sa manipulasyon sa presyo at suplay ng sibuyas. | ulat ni Kathleen Forbes