??????, ??????????? ?? ???????? ????? ???? ?? ??? ????????????? ???????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkasundo ang mga senador na agad-agad nang magsagawa ng public hearing bukas tungkol sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization program.

Ginawa ito matapos pagtibayin ng Senado ang isang resolusyon, na umaapela sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), na huwag na munang ituloy ang nakatakdang pagphase out sa mga traditional na jeepney pagdating ng June 2023.

Sinabi ni Senate Committee on Public Services Chairperson Grace Poe, na hindi na muna dapat ituloy ang phase out hangga’t hindi nadidinig ang mga hinaing ng mga operator at driver ng jeep.

Dinagdag rin ni Poe, na malaking dagok rin sa riding public o sa mga komyuter sakaling mawala sa mga lansangan ang mga jeep.

Ngayon pa nga lang aniya ay kita na ang kakulangan ng public transportation sa mahabang pila sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT), at terminal ng mga bus tuwing rush hour.

Bukod pa dito ang pahirapang pagkuha at mataas na singil ng Grab, at ang nakaamba pang tigil operasyon ng Philippine National Railways (PNR) na tinatayang may 180,000 na pasahero kada araw.

Samantala, ipinunto naman ni Senador Raffy Tulfo, na bahagi na ng kultura ng ating bansa ang mga traditional jeep at nagsisilbinring tourist attraction para sa Pilipinas.

Hindi rin nagustuhan ng senador na ang kukuning mga modern jeep ay magmumula sa china…Sinabi ng mga senador, na layon ng ikakasang pagdinig bukas ang mahanapan ng solusyon o sagot man lang ang hinaing ng mga driver at operator tungkol sa planong phase out at modernisasyon.

Ito ay kahit papaano man lang anila ay mapigilan ang planong transport strike ng mga jeep sa susunod na linggo. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us