Posibleng pang magbago ng target collection ng Bureau of Customs (BOC) ngayong taon, batay na rin sa pagtaya ng Development Budget Coordination Committee (DBCC).
Sa isinagawang briefing ng House Committee on Appropriations patungkol sa inflation, nabanggit ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio na target nilang makakolekta ngayong ng taon ng β±901.337-billion.
Natanong naman ni Quezon Rep. Jayjay Suarez si Rubio kung bakit biglang tumaas ang halaga ng target collection gayong nasa β±765.6-billion lamang ang isinumiteng numero sa kanila ng DBCC.
Paglilinaw ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang itinakdang target ay mababago pa at kanila aniyang isusumite sa Kamara ang adjusted figure.
βKasi yung sina-submit na budget sa inyo is based on the first two quarters pa lang yan eh. But we adjust the numbers and we will inform you on that adjustment. Weβll give you the most recent numbers that the DBCC has approved. We also meet every quarter rin with the DBCC and we adjust the numbers,β paliwanag ni Diokno.
Umaasa naman si Suarez na makakamit nga ng BOC ang dagdag na β±2-billion sa kanilang target collection.
Kasabay nito ay nangako si Rubio sa mga mambabatas na paiigtingin pa ng BOC ang paglaban sa smuggling, lalo na ng agricultural products.
Lunes nang dumalo si Rubio sa pag-dinig ng House Committee on Agriculture and Food hinggil sa isyu ng parice manipulation at hoarding ng sibuyas.
Pagtitiyak pa nito sa mga mambabatas na tutulong ang Customs sa pagbabantay ng mga pumapasok na produktong agrikultural sa bansa.
βThe Bureau of Customs is relentless in our fight against smuggling, thatβs why we have a lot of apprehensions now,β dagdag pa ni Rubio. | ulat ni Kathleen Jean Forbes