????? ??? ?? ??????????, ????????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Adamson University PTA President Mer Layson na gawing total ban na ang fraternity hindi lamang sa Adamson kundi sa buong Pilipinas kasunod ng pagkasawi ng isang estudyante sa hazing.

Ito ang kanyang inihayag sa panayam ng Radyo Pilipinas.

Aniya dapat lahat ng unibersidad mapa-pribado man o publiko ay dapat na ipagbawal na ang pagkakaroon ng fraternity dahil masasayang lang ang kinabukasan ng bawat kabataan na may mataas na pangarap sa buhay.

Sumuko na din dapat ang mga sangkot sa pagkamatay ni John Matthew Salilig upang makamit ng estudyante at pamilya nito ang hustisya.

Mensahe naman niya sa mga magulang na huwag nang hikayatin pa ang kanilang mga anak na sumali sa fraternity upang huwag matulad sa sinapit ni Salilig. | ulat ni Janze Macahilas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us