Kakaunti lang na sasakyan ang nagamit sa Libreng Sakay ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at lokal na pamahalaan sa unang araw ng tigil-pasada.
Ayon kay MMDA General Manager Procopio Lipana ito ay nangangahulugan na hindi masyado ramdam ang transport strike ng grupong Piston at Manibela.
Sa 1,600 na sasakayan para sa Libreng Sakay limang porsyento lang ang nagamit sa unang araw mg tigil-pasada.
Paliwanag ni Lipana marami pa rin kasing bumyahe na mga jeepney driver at dalawa hanggang tatlong grupo lang ang nagtigil-pasada.
Ganunpaman, tuloy pa rin na magiging alerto ang gobyerno para tulungan ang mga pasahero na mai-istranded sa harap ng nagpapatuloy na tigil-pasada. | ulat ni Don King Zarate