Pormal na pinutol ng 211 kasapi ng Anakpawis ang kanilang ugnayan sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), sa isinagawang βdisaffiliationβ Ceremony sa Sitio Pyramid, Taytay, Rizal.
Ang seremonya ay pinangasiwaan ng Dolores Barangay Task Force to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC), Taytay MTF-ELCAC, 80th Infantry “Sandiwa” Battalion ng Phil. Army, Rizal PNP, at Taytay PNP.
Bilang bahagi ng seremonya, ang mga dating kasapi ng kilusang komunista ay nagtatag ng βPeopleβs organization,β, at nanumpa ng katapan sa pamahalaan, kasabay ng pagsunog sa bandila ng CPP-NPA-NDF.
Ayon sa militar, ang Anakpawis ay party-list ng marginalized sector ng manggagawa, mangingisda, urban at rural poor, at national minorities; na nagsisilbing sectoral Front ng CPP-NPA, at electoral wing ng Kilusang Mayo Uno at Kilusang Mangbubukid ng Pilipinas.
Nagpahayag naman ng kasiyahan si 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Commander Major General Roberto Capulong na sumuspurta na ngayon sa peace efforts ng pamahalaan ang mga nagbalik-loob. | ulat ni Leo Sarne
?: 2ID