Dalawang rebelde sa Capiz, nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatanggap ng tulong pinansyal ang dalawang dating rebelde sa probinsya ng Capiz sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.

Ang distribusyon ay pinangunahan ni Capiz Governor Fredenil Castro at mga opisyales ng DILG, PNP at Phil Army.

Bawat rebelde ay nabigyan ng P50,000 na livelihood assistance at P15,000 na immediate assistance.

Nagpapasalamat ang dalawang rebelde sa natanggap na tulong mula sa pamahalaan dahil nabigyan sila ng pagkakataon na sumuko at mamuhay malayo sa armadong pakikibaka.

Ang E-CLIP ay isang programa ng pamahalaan na naglalayong tulungan ang mga dating rebelde na nais magbalik-loob at iwanan ang rebeldeng grupo. | ulat ni Paul Tarrosa | RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us