Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nanawagan sa mga Pilipino na makiisa sa isang oras na pagpapatay ng ilaw mamayang gabi bilang bahagi ng obserbasyon ng Earth Hour

Humingi ng isang oras si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Pilipino para mapangalagaan at maisalba ang inang kalikasan mula sa mabilis na pagkasira nito dulot ng climate change. Sa naging mensahe ng Pangulo, inihayag nitong nahaharap ang mundo sa aniya’y mahirap ng mabawing impact ng pagbabago ng panahon. Dama aniya ang epekto ng… Continue reading Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nanawagan sa mga Pilipino na makiisa sa isang oras na pagpapatay ng ilaw mamayang gabi bilang bahagi ng obserbasyon ng Earth Hour

Road concreting at reblocking, isinagawa ng DPWH sa Maynila

Sinimulan na ng DPWH ang kanilang road concreting at reblocking works sa A.H. Lacson Avenue sa Sampaloc, Manila. Sakop ng pagsasaayos ang north and south bound section ng naturang kalsada mula Laon Laan St. hanggang Piy Margal St. at vice versa. Inaasahan na matatapos ang repair works hanggang April 6. Sinimulan ang road rehabilitation sa… Continue reading Road concreting at reblocking, isinagawa ng DPWH sa Maynila

Kampanya para sa culture of security sa mga paaralan sa Davao City, kasado na

Kasado na ang kampanya para sa Culture of Security ng Davao City na nakatakdang ilunsad sa mga paaralan dito sa lungsod sa pangunguna ng Task Force Davao. Sinabi ni Task Force Davao Commander Col. Darren Comia, ito ay bahagi lang ng kanilang mga hakbang para mapalaganap sa lahat ng sektor ang kampanya sa seguridad para… Continue reading Kampanya para sa culture of security sa mga paaralan sa Davao City, kasado na

Kadiwa on Wheels pinuntahan ang bayan ng San Luis, Agusan del Sur

Ang Kadiwa on Wheels na bumibili ng ani ng magsasaka at nagbebenta ng produktong agrikultural sa mababang halaga ay nagpunta kahapon sa Municipal Amphi Theater upang magbenta ng bigas, asukal, mantika, karne ng baboy, manok, mga sariwang isda, pinatuyong isda, mga de-latang produkto, prutas, gulay, rootcrops, itlog at iba pang pangunahing bilihin sa murang halaga.… Continue reading Kadiwa on Wheels pinuntahan ang bayan ng San Luis, Agusan del Sur

Ayuda para sa mahigit 2,000 magsasaka sa lungsod ng Zamboanga, ipinamahagi ng lokal na pamahalaan

Namahagi ng tulong pinansyal ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga sa 2,007 mga magsasaka sa Ayala District ng lungsod kamakailan. Nakatanggap ng P2,000 ang bawat magsasaka mula sa Assistance In Crisis Situation (AICS) Program ng lokal na pamahalaan kung saan layong matulungan ang mga itong makabangon muli matapos masira ang kanilang mga pananim sa naranasang… Continue reading Ayuda para sa mahigit 2,000 magsasaka sa lungsod ng Zamboanga, ipinamahagi ng lokal na pamahalaan

DOT Caraga, naglilibot sa mga probinsya ng rehiyon upang itaas ang kaalaman ng Filipino Brand of Service Excellence Program

Serye ng Filipino Brand of Service Excellence (FBSE) Trainings ang isinagawa ng DOT Caraga para turuan ang tourism frontliners na ibigay sa mga turista, kliyente at lahat ng bisita ang Excellent Customer Service gamit ang Filipino values tulad ng paglalagay ng palad sa dibdib bilang pag-welcome at pagbibigay-galang. Abala rin ngayon ang DOT Caraga sa… Continue reading DOT Caraga, naglilibot sa mga probinsya ng rehiyon upang itaas ang kaalaman ng Filipino Brand of Service Excellence Program

Brgy Chinese Pier sa Jolo, Sulu, namahagi ng tig-isang sakong bigas sa may 900 pamilya ngayong buwan ng Ramadhan

Tulad ng nakagawian tuwing papalapit na ang banal na buwan ng pag-aayuno, muling namahagi ng sako-sakong bigas ang pamunuan ng barangay Chinese Pier sa bayan ng Jolo, Sulu. Ayon kay Punong Barangay Mernesa Ladja ng barangay Chinese Pier, nasa 900 pamilya sa naturang barangay ang nabiyayaan ng tig-isang sakong bigas na tumitimbang ng 25 kilo.… Continue reading Brgy Chinese Pier sa Jolo, Sulu, namahagi ng tig-isang sakong bigas sa may 900 pamilya ngayong buwan ng Ramadhan

BFP, pinaalalahanan ang publiko na makipag-ugnayan sa local fire stations kung magsasagawa ng fire drill

Hinikayat ng Bureau of Fire Protection ang publiko na makipag-ugnayan muna sa mga local fire station bago magkasa ng mga aktibidad na gaya ng fire drill. Ginawa ng BFP Directorate for Fire Safety Enforcement (DFSE BFP NHQ) ang pahayag kasunod ng insidente sa Gulod National High School – Mamatid Extension sa Cabuyao City, Laguna kung… Continue reading BFP, pinaalalahanan ang publiko na makipag-ugnayan sa local fire stations kung magsasagawa ng fire drill

Malasakit Center nakatulong sa 700,000 pasyente sa Cebu

Umabot na sa 700,000 mga pasyente ang natulungan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa ilalim ng Malasakit Centers na naitatag sa Cebu. Ito ang ibinunyag ni Senador Christopher “Bong” Go matapos niyang pangunahan ang pagbubukas ng ika-157th na Malasakit Center sa loob ng Cebu City Medical Center (CCMC) sa lungsod ng Cebu. Ayon kay… Continue reading Malasakit Center nakatulong sa 700,000 pasyente sa Cebu

Dalawang rebelde sa Capiz, nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan

Nakatanggap ng tulong pinansyal ang dalawang dating rebelde sa probinsya ng Capiz sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan. Ang distribusyon ay pinangunahan ni Capiz Governor Fredenil Castro at mga opisyales ng DILG, PNP at Phil Army. Bawat rebelde ay nabigyan ng P50,000 na livelihood assistance at P15,000 na immediate assistance.… Continue reading Dalawang rebelde sa Capiz, nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan