Road concreting at reblocking, isinagawa ng DPWH sa Maynila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na ng DPWH ang kanilang road concreting at reblocking works sa A.H. Lacson Avenue sa Sampaloc, Manila.

Sakop ng pagsasaayos ang north and south bound section ng naturang kalsada mula Laon Laan St. hanggang Piy Margal St. at vice versa.

Inaasahan na matatapos ang repair works hanggang April 6.

Sinimulan ang road rehabilitation sa inner south bound lane ng Lacson Avenue na may habang 130.50 linear meters at may lawak na 4.10 linear meters mula Laon Laan.

Pansamantalang sarado ang half lane ng nasabing kalsada habang ang ibang lane ay bukas sa mga motorista.

Nakipag-uganay ang DPWH sa MMDA para sa traffic management schemes na ipatutupad sa kasagsagan ng repair works.

Pinaalalahanan ng kagawaran ang mga motorista na bagalan muna ang takbo ng sasakyan sa apektadong daanan at dumaan muna sa mga alternatibong ruta. I via Bernard Jaucian Jr.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us