Ilang kalibre ng baril at iligal na droga, nakuha sa isinagawang drug buy-bust operation ng PDEA at PNP sa Sulu

Huli ang apat na suspek sa ikinasang drug buy-bust operation at pagsira sa isang drug den sa Barangay Latih sa bayan ng Patikul, Sulu. Kinilala ang mga suspek na sina Al Naber Jadjuli, Apalal Tadjri, Rasher Bakil at Utal Abdulla habang pinaghahanap ang isa pa na kinilala bilang si Al-Amin J. Jul-Ambri. Nakuha sa posisyon… Continue reading Ilang kalibre ng baril at iligal na droga, nakuha sa isinagawang drug buy-bust operation ng PDEA at PNP sa Sulu

Philippine Navy, sinagip ang 175 katao mula sa tumirik na lantsa sa Sulu

Sinagip ng Naval Forces Western Mindanao (NavForWem), sa pamamagitan ng Naval Task Force-61 (NTF-61), ang 175 katao na lulan ng tumirik na lantsa sa lalawigan ng Sulu. Ayon kay Rear Admiral Donn Anthony Miraflor, kumandante ng NavForWem, niligtas ng Naval Task Force ang naturang mga pasahero mula sa M/V Queen Shaima na sumama na lamang… Continue reading Philippine Navy, sinagip ang 175 katao mula sa tumirik na lantsa sa Sulu

500 dating violent extremists sa Sulu, pinagkalooban ng socio-economic aid ng DSWD

May 500 dating violent extremists o combatants sa Sulo ang binigyan ng socio-economic aid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Mismong si DSWD Undersecretary for Inclusive-Sustainable Peace and Special Concerns Alan Tanjusay, ang nanguna sa pamamahagi ng cash assistance at welfare goods sa  isinagawang Peace Caravan sa Maimbung, Jolo. Sila ang mga dating… Continue reading 500 dating violent extremists sa Sulu, pinagkalooban ng socio-economic aid ng DSWD

Mahigit P13-M halaga ng iligal na droga, nasamsam sa Sulu

Nasa halos dalawang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P13,600,000.00 ang nasamsam sa buy-bust operation ng nagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Sulu, PNP at AFP sa barangay Poblacion sa bayan ng Maimbung bandang alas 8:00 ngayong gabi, August 9. Arestado naman ang dalawang drug suspek na sina Anton Jubail alyas Toh… Continue reading Mahigit P13-M halaga ng iligal na droga, nasamsam sa Sulu

COMELEC Sulu, puspusan ang paghahanda para sa nalalapit na BSKE sa Oktubre

Puspusan ang paghahanda ng Commission on Elections (COMELEC) sa Sulu para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa ika-30 ng Oktubre ngayong taon. Ayon kay Atty. Vidzfar Julie, Provincial Election Supervisor ng COMELEC sa lalawigan sa programang Usapang Pangkapayapaan, Usapang Pangkaunlaran ng Philippine Air Force Tactical Operations Group Sulu Tawi-Tawi, nasa proseso… Continue reading COMELEC Sulu, puspusan ang paghahanda para sa nalalapit na BSKE sa Oktubre

Mahigit 100 miyembro ng BGIP program sa ilalim ng MOLE sa Sulu, patuloy ang pagseserbisyo

Patuloy ang pagseserbisyo ng mga miyembro ng Bangsamoro Government Internship Program (BGIP) sa ilalim ng Ministry of Labor and Employment (MOLE) sa mga piling tanggapan sa lalawigan ng Sulu. Ayon kay Refkah Estino, Labor Officer III ng MOLE Sulu Field Office, patuloy ang pagtrabaho ng aabot sa 130 kwalipikadong miyembro ng BGIP ang nai-deploy sa… Continue reading Mahigit 100 miyembro ng BGIP program sa ilalim ng MOLE sa Sulu, patuloy ang pagseserbisyo

PNP Panamao, Sulu, nakapagtala ng zero crime incident sa 2nd quarter ngayong taon

Wala kahit isang crime incident ang naitala ng Panamao Municipal Police Station (MPS) sa lalawigan ng Sulu mula Abril hanggang Hunyo ng taong kasalukuyan. Bunga ito ayon kay PCapt. Benbadz Kalab, Acting Chief of Police ng Panamao MPS, ng magandang pakikipag-ugnayan nila sa lokal na pamahalaan mula sa municipal at barangay level, AFP, ahensiya ng… Continue reading PNP Panamao, Sulu, nakapagtala ng zero crime incident sa 2nd quarter ngayong taon

Philippine Looper na si Salas, muling bumisita sa Sulu upang isulong ang kaniyang adbokasiya

Muling bumisita sa Sulu ang sikat na Philippine Looper na si Victor Salas upang isulong ang kaniyang adbokasiya na gawing adventure destination ang lalawigan. Kasabay nito ani Salas, isasailalim niya sa pagsasanay ang mga tauhan ng lokal na pamahalaan at tourism sa paggawa ng kuwintas na maaring ibenta sa mga lugar na dinarayo ng mga… Continue reading Philippine Looper na si Salas, muling bumisita sa Sulu upang isulong ang kaniyang adbokasiya

Ayuda para sa mahigit 1K pamilya ng mga bakwit sa bayan ng Maimbung, Sulu, nagpapatuloy

Nagkaloob na rin ngayong araw ng welfare goods ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) Sulu sa mga bakwit na pansamantalng nanunuluyan sa tatlong evacuation center sa bayan ng Maimbung, Sulu. Ayon kay Imelda Kangiluhan, Provincial Social Welfare Officer ng MSSD Sulu, nasa 343 pamilya sa Matatal Elementary School sa barangay Matatal at 69… Continue reading Ayuda para sa mahigit 1K pamilya ng mga bakwit sa bayan ng Maimbung, Sulu, nagpapatuloy

Bakbakan sa pagitan ng mga pulis at armadong grupo ng dating vice mayor, ongoing sa Maimbung, Sulu

Kinumpirma ni PNP Public Information Office Chief Police Brig. General Red Maranan na ongoing ang firefight sa pagitan ng mga pulis at armadong grupo ni dating Maimbung Vice Mayor Pando Mudjasan sa Sulu. Sa ulat ng PNP Sulu na nakarating sa Camp Crame, nagtangkang magsilbi ng search warrant ang mga pulis sa bahay ng dating… Continue reading Bakbakan sa pagitan ng mga pulis at armadong grupo ng dating vice mayor, ongoing sa Maimbung, Sulu