Bakbakan sa pagitan ng mga pulis at armadong grupo ng dating vice mayor, ongoing sa Maimbung, Sulu

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni PNP Public Information Office Chief Police Brig. General Red Maranan na ongoing ang firefight sa pagitan ng mga pulis at armadong grupo ni dating Maimbung Vice Mayor Pando Mudjasan sa Sulu.

Sa ulat ng PNP Sulu na nakarating sa Camp Crame, nagtangkang magsilbi ng search warrant ang mga pulis sa bahay ng dating opisyal sa Bualo Lipid, Maimbung kaninang umaga.

Pinaputukan umano ng grupo ni Mudjasan ang mga pulis nang papalapit ang mga ito sa kanyang tahanan na nagresulta sa palitan ng putok.

Apat na pulis ang iniulat na sugatan sa insidente na isinugod sa ospital. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us