Mungkahi ng Pangulo na isulong ang gastronomy tourism promotion sa bansa, welcome kay Sec. Frasco

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome kay Tourism Secretary Christina Frasco ang mungkahi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mas palakasin pa ang gastronomy tourism promotions sa Pilipinas.

Aniya, sa naturang mungkhani ng Pangulo ay aktibo na ang kanilang kagawaran sa pagpo-promote ng mga ipinagmamalaking Filipino food ng ating bansa gaya ng adobo, sinigang at iba pang mga pagkaing ipinagmamalaki ng Pilipinas.

Kaugnay nito dagdag pa ni Frasco, ngayong taon ay nakatakdang magdaos ang DOT ng First United Nations Tourism Regional Forum on Gastronomy Tourism for Asia and the Pacific na gaganapin ngayong darating na Hunyo.

Sa huli, nagpasalamat si Secretary Frasco sa ating punong ehekutibo dahil sa patuloy na pagsuporta nito sa pagpapalakas ng tourism sektor ng ating bansa. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us