Ilang kalibre ng baril at iligal na droga, nakuha sa isinagawang drug buy-bust operation ng PDEA at PNP sa Sulu

Facebook
Twitter
LinkedIn

Huli ang apat na suspek sa ikinasang drug buy-bust operation at pagsira sa isang drug den sa Barangay Latih sa bayan ng Patikul, Sulu.

Kinilala ang mga suspek na sina Al Naber Jadjuli, Apalal Tadjri, Rasher Bakil at Utal Abdulla habang pinaghahanap ang isa pa na kinilala bilang si Al-Amin J. Jul-Ambri.

Nakuha sa posisyon ng mga ito ang 25 gramo ng hinihinalang shabu at tatlong piraso ng maliit na sachet katumbas ng 0.3 na gramo at may kabuuang halaga na P172,040.00.

Nakumpiska din sa naturang drug den ang mga firearms at ammunition, kinabibilangan ng isang unit ng US carbine cal. 30mm/serial number 545851; 1 pc magazine cal. 30mm (short) na may 15 bala; 2 pcs magazine cal. 30mm (long) na may 24 live ammos; 1 unit bushmaster cal.5.56mm (black water)/sn L126589; 3 pcs magazine assembly (long) cal. 5.56mm w/ 29 live ammos each; 1 unit STI Cal.45 /sn 52564; 1 pc cal.45 magazine w/. 4 live ammos.; 1 unit cal. 38 smith and Wesson w/o serial number; at 2 live ammos. ng cal.38

Kasalukuyang nakaditine ang mga suspek sa detention cell ng Patikul MPS habang hinahanda ang mga kasong isasampa laban sa kanila.

Ang naturang operasyon ay naging matagumpay sa pinagsamang lakas ng PDEA Sulu BARMM, Patikul MPS, PIU SPPO, NICA BARMM, RIU IX, PDEG SOU BAR, 75 SAC, 7SAB SAF, 35IB PA, 1st PMFC, at 2nd PMFC.| ulat ni Eloiza Mohammad| RP1 Jolo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us