Sumali ang Department of Health – CALABARZON sa pag-imbestiga sa heat exhaustion na naranasan ng mga estudyanteng lumahok sa fire drill sa Cabuyao, Laguna.
Nakikipag-unayan na ang Regional Epidemiology and Surveillance Unit sa Laguna LGU para sa imbestigasyon at sa pagbantay sa kalagayan ng mga estudyante.
Mababatid na nitong March 23, nasa 83 na mga mag-aaral sa Gulod National High School ang isinugod sa ospital at sa kasunod na araw ay may karagdagang 24 na mga estudyanteng dinala sa pagamutan.
Ayon sa DOH-CALABARZON, naitala ang index sa 39-42 degrees Celsius mula 1PM-3PM. Isinagawa ang fire drill noong Huwebes na nilahukan ng 3,000 na mga estudyante bandang 2:30PM.
Ilan sa mga naranasang sintomas ng mga estudyanteng nakaranas ng heat exhaustion ay dehydration, pagkakahilo, pagkahimatay, labis na pagod, sakit ng ulo, pagsusuka, at mabilis na tibok ng puso. I via Bernard Jaucian