DOTr Sec. Jaime Bautista at MMDA Chairman Romando Artes, nag-ikot sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX bilang bahagi ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kapwa nag-ikot sila Department of Transportation o DOTr Sec. Jaime Bautista at Metropolitan Manila Development Authority o MMDA Chairman Atty. Romando Artes sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX ngayong araw

Ito’y bilang bahagi ng kanilang Oplan Ayos Biyahe: Semana Santa 2023 na naglalayong matiyak ang isang ligtas na pagbiyahe ng publiko ngayong papalapit na mga very long weekend sa susunod na linggo

Dito, kinumusta ni Bautista ang mga pasahero kung kuntento ba sila sa serbisyo ng PITX lalo’t inaasahang daragsain ito ng mga magsisipag-uwian sa kani-kanilang mga lalawigan para doon magbakasyon

Umakyat din ang Kalihim sa ilang Bus units na nakahimpil sa PITX at pinaalalahanan ang mga ito na mag-ingat sa kanilang biyahe gayundin sa kanilang pagmamaneho.

Sa panig naman ng MMDA, sinabi ni Chairman Artes na magtatayo sila ng Command Center na siyang magbabantay sa galaw ng publiko sa mga Terminal ng Bus, Paliparan at Pantalan sa Metro Manila

Magkakasa rin aniya sila ng supresang drug testing sa mga tsuper ng pampublikong sasakyan para tiyaking hindi sila gumagamit ng ipinagbabawal na gamot para lang makapaghabol o makarami ng biyahe

Batay sa pagtaya ng pamunuan ng PITX, posibleng umabot sa 1.2 milyong pasahero ang daragsa sa kanilang Terminal mula Marso a-31 hanggang Abril a-10. I via Jaymark Dagala

?: MMDA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us