Nagsagawa ng food security forum ang Commission on Climate Change (CCC) sa Camarin, Caloocan, kung saan isinulong ang urban gardening bilang isang porma ng kabuhayan at pagiging self-sufficient.
Katuwang ng tanggapan ang Bureau of Plant Industry (BPI) sa forum na ito, kung saan nasa 50 residente ng barangay Camarin ang nabigyan ng kaalaman kaugnay sa angkop na pagkakaroon ng urban gardening, sa pamamagitan ng paggamit ng mga espasyo sa kanilang kumunidad.
Ayon kay Commissioner Albert Dela Cruz, mahalaga ang pagbibigay ng tamang kaalaman at kakayahan sa mga mamamayan, tungo sa pagiging matatag ng mga ito laban sa impact ng climate change.
“Along side the fast trend of modernization with the use of mechanized technology, we are also creating problems in our environment; hence, climate change and global warming. We need to address this and only through mitigation and adaptation can we survive and help future generations attain resiliency,” ani Commisioner Dela Cruz.
Ayon sa opisyal, kasabay ng mabilis na modernisasyon, ang problema sa kalikasan na kaakibat nito.
Halimbawa ang climate change at global warming.
Kailangan aniyang tugunan ang mga usaping ito, dahil sa pamamagitan lamang aniya ng mitigation at adaptation, magagawang mag-survive ng lahat, at para na rin maging matatag ang susunod na henerasyon. I via Racquel Bayan