Mga pamilyang naapaketuhan ng lindol sa Davao de Oro, napaabutan ng tulong

Facebook
Twitter
LinkedIn

Higit 1,000 pamilya sa Davao de Oro ang napaabutan ng tulong pinansyal matapos maapektuhan ng magnitude 6 na lindol.

Sa pamamagitan ng Office of the House Speaker at Tingog Party-list katuwang ang DSWD, 1,653 na pamilya mula Compostela, New Bataan, at Maragusan ang nabigyan ng P3,000 hanggang P5,000 na financial aid sa ilalim ng AICS program.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, bagamat maliit na halaga, umaasa ito na makatulong sa mga residente na napinsala at nasira ang mga bahay dahil sa tumamang lindol noong March 22.

Pagtiyak naman ni Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez na ginagawa na ng pamahalaan ang lahat upang maibalik sa normal ang sitwasyon sa lalawigan.

Maliban dito ay nagpaabot din si Speaker Romualdez ng kabuuang P500,000 na calamity fund kay Davao de Oro 1st District Rep. Maricar Zamora at Pantukan Vice Gov. Tyron Uy. I via Kath Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us