Inilatag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga programa para sa pagkalinga sa kalikasan.
Kabilang rito ang pagkakaroon ng 350km bike lanes na kanyang ipatutupad sa pagtatapos ng ikalawang termino.
Bago naman pumatak ang 2030, sinabi ng alkalde na gagamit ng solar energy ang mga public structure gaya ng government buildings, public hospitals, at mga paaralan.
Ipapasa din aniya ang Green Buildings Ordinance na magbibigay ng insentibo sa pribadong sektor na gagamit ng renewable energy sources sa kanilang mga imprastraktura.
Layunin din ni Belmonte na gawing libo-libo ang urban farms sa lungsod Quezon para na rin mabawasan ang mga truck na nagdedeliver ng mga gulay.
Maglalagay din ang LGU ng water fountains sa mga paaralan para mabawasan ang single use plastic bottles. I via Bernard Jaucian