Pabuya sa makakapagturo sa pumatay sa chief of police ng San Miguel, Bulacan, umabot na sa P1.2M

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-alok ng pabuya ang PNP, DILG, at si Bulacan Governor Daniel Fernando sa sinuman na makakapagturo sa suspect na pumatay kay PLtCol. Marlon Cerna, hepe ng San Miguel Municipal Police Station sa Bulacan.
Nasa isang milyong piso ang alok ng PNP at DILG habang P200,000 ang pabuya mula kay Fernando.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, bandang 9:30PM kagabi rumesponde si Cerna sa robbery holdup sa Brgy. San Juan.
Habang nagsasagawa ng hot pursuit operation para sa pagtugis sa mga suspect sa Brgy. Bohol na Mangga sa bayan ng San Idelfonso, namataan nila ang dalawang robbery suspect na sakay ng motor.

Pinaputukan nila ng baril ang mga pulis at natamaan sa ulo si Cerna habang sugatan ang isang 17 year old na binatilyo matapos madamay sa engkwentro.

Naisugod si Cerna sa ospital subalit binawian ng buhay habang ginagamot habang tuluyang nakatakas ang dalawang suspect patungong Brgy. Akle. I via Bernard Jaucian

?: Bulacan PPO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us