Pagdagdag ng EDCA sites sa Pilipinas, ikinabahala ng isang geopolitical analyst

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala ang isang geopolitical analyst na maaaring makaapekto sa seguridad ng bansa ang pagdagdag ng EDCA sites sa Pilipinas.

Matatandaang inanunsiyo mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na may idaragdag na apat na lugar na sasakupin ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Sa pandesal forum, sinabi ni Prof. Roland Simbulan, na maaaring mabigyan ito ng maling interpretasyon at maipit lang ang Pilipinas sa alitan ng US at ng ibang bansa.

Pinangangambahan rin nito ang posibleng maging epekto ng hakbang na ito sa diplomatic relations ng Pilipinas sa mga bansang may maganda itong ugnayan.

Para kay Prof. Simbulan, dapat na irekonsidera ng pamahalaan ang naturang kasunduan nang hindi maalangan ang Pilipinas.

Dapat rin aniyang mas isulong ng pamahalaan ang isang independent at non-aligned foreign policy habang pinaiigting ang defense capability ng bansa.

Nauna nang inihayag ng Department of National Defense (DND), na hindi naman gagawing military bases ng America ang dagdag na EDCA sites kung himdi para lang sa storage at warehouse facilities ng military logistics.Gagamitin rin aniya ito para sa humanitarian at relief operations partikular sa panahon ng emergencies at natural disasters. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us