Nasa on hold status ang nakatakdang pagdating ng bivalent vaccines mula sa Covax facility dahil sa ilang mga kondisyon na mula sa mga vaccine manufacturers ng naturang bakuna.
Ngayong katapusan ng buwan sana nakatakdang dumating ang nasa mahigit isang milyong doses ng bivalent vaccines sa ating bansa.
Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergiere, ang naturang naitalang delayment ng mga bakuna ay dahil sa naging pagbabago ng kundisyon ng Pilipinas mula sa immunity to liability at ang indemnification clauses na ni-require ng mga vaccine manufacturers.
Dagdag pa ni Vergiere na gumagawa ng hakbang ang Health Department upang hindi na masayang ang mga bakunang ipinagkaloob ng Covax facility at patuloy na rin itong nakikipag- ugnayan sa Office of the President, Office of the Solicitor General, at Deparment of Justice para sa mga legal na opinion hinggil dito.
Sa huli, nangako naman si Vergiere sa publiko na gagawin nila ang kanilang makakaya upang hindi masayang ang naturang grant mula sa Covax facility at magamit ng Pilipinas ang naturang mga bakuna. I via AJ Ignacio