Pagtugon sa isyu ng krisis sa tubig at El Niño, kailangan ng nagkakaisang aksyon ng buong bansa ayon kay Senador Nancy Binay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Senador Nancy Binay na ang pagtugon sa isyu ng water crisis at El Niño ay mangangailangan ng pagkakaisa ng lahat.

Ayon kay Binay, hindi lang ito nakapatong sa balikat nn iisang sektor, institusyon, ahensya o kompanya, bagkus, ay kailangan ng paghahanda ng lahat.

Sa bahagi ng pamahalaan, mainam aniya kung maibabahagi ng National Water Resources Board (NWRB) ang holistic at mas komprehensibong water resource plan nito at ang kanilang water allocation and reuse policy hanggang sa lebel ng mga lokal na pamahalaan.

Nais rin aniyang malaman ng senadora kung ilang rainwater collection system na sa 42,000 na barangay sa bansa ang nagawa na o ginagawa pa ng pamahalaan mula ng maisabatas ang Republic Act 6716.

Gayundin ang kung sino ang nangangasiwa ng maintenance ng mga rainwater collection system at ilan ang gumagana pa o ilan ang sira na at kailangang ayusin.

Apela naman ng mambabatas sa mga konsumer, simulan na ang pagtitipid ng tubig at hikayatin ang mga kasama sa bahay na maging praktikal sa paggamit ng tubig.

Binigyang diin ni Binay na hindi na dapat bumalik ang ating bansa sa panahong mangangailangan ng pilahan at pagrarasyon ng suplay ng tubig. I via Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us