Paranaque solon, pinasalamatan ang COMELEC sa pag-urong ng petsa paghahain ng kandidatura para sa BSK elections

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinaabot ni Paranaque Rep. Gus Tambunting ang pasasalamat sa COMELEC sa pakikinig nito sa kaniyang apela na i-urong ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COCs) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Aniya, welcome ang pag-urong ng COMELEC sa paghahain ng kandidatura sa Agosto mula sa naunang petsa na Hulyo upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng electoral process.

Malaking bagay aniya na ikinonsidera ng poll body ang kapakanan ng mga botante at kandidato.

Una nang sinabi ni Tambunting na magdudulot lamang voter “fatigue” at pagkawala ng interes ng publiko sa halalan kung inagahan at hinabaan ang panahon ng COC filing.

“We understand and acknowledge the concerns raised by the Comelec regarding the original July schedule, and we appreciate their efforts to consider the welfare of the voters and candidates. We recognize that a prolonged political season may have resulted in voter fatigue and disinterest, posed a threat to peace and order, and given undue advantage to some candidates. By rescheduling the COC filing, the Comelec has shown its commitment to upholding a fair and credible election,” saad ni Tambunting. I via Kath Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us