Plebisito sa paghihiwalay ng Brgy. Muzon sa San Jose Del Monte, Bulacan, naging generally peaceful

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pangkalahatan na naging mapayapa ang plebisito sa San Jose Del Monte, Bulacan na maghahati sa Brgy. Muzon bilang apat na mga independent barangay.

Kinumpirma ni PLtCol. Ronaldo Lumactod, hepe ng San Jose Del Monte Police Station, na walang naitalang anumang untoward incident sa kasagsagan ng plebisito.

Mababatid na nasa 152 PNP personnel ang nakadeploy mula February 23 hanggang March 25.
Nagpasalamat naman ang COMELEC sa supporta ng PNP at AFP para sa pagbabantay sa seguridad.

Bagama’t tapos na ang plebisito, sinabi ni Lumactod na ipapatupad pa rin ang gun ban at mananatili ang check points sa Brgy. Muzon hanggang April 1. I via Bernard Jaudian

?: San Jose Del Monte Bulacan CPS

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us