PPA, pinagpapaliwanag ng Senado sa mga reklamo sa pagtataas ng singil sa mga pantalan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinihintay pa ng Senate Committee on Public Services ang sagot ng Philippine Ports Authority (PPA) kaugnay sa isyu ng pagtataas ng shipping at logistic costs sa mga pantalan.

Ito ay bilang tugon sa panawagan ng major shipping at logistics companies na magsagawa ng Senate investigation tungkol sa isyu.

Ayon kay Committee Chairperson Senador Grace Poe, nagpadala na siya ng liham sa PPA para magpaliwanag sa isyu.

Kung sakali aniyang kulang ang paliwanag ng PPA at mananatiling hindi natutugunan ang problema ay magpapatawag na siya ng pagdinig.

Sinabi ni Poe, na kung sakali ay pagkatapos na ng Holy Week niya gawin ang senate hearing.

Iginiit ng senador, anumang regulasyon ay mahaharap talaga sa pagtutol lalo na kung malaking pagbabago ito sa polisiya.

Gayunpaman, inaasahan ng mambabatas na magiging handa ang government regulators na magpaliwanag at depensahan ang polisiya nito sa stakeholders.

Umaasa rin ang senador na nagkaroon ng tamang konsultasyon bago ipinatupad ang bagong kautusan. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us