Inanunsyo ni Vice President Sara Duterte na maglulunsad ang Department of Education ng National Science and Technology Fair para sa mga babaeng mag-aaral.
Ayon kay VP Sara, layon ng “Women in STEM” na magbigay ng oportunidad at suporta sa kababaihan na nais pasukin ang career sa Science, Technology, Engineering and Mathematics.
Sa pamamagitan aniya nito ay matutugunan ang “gender gap” sa larangan ng STEM.
Bukod dito, naniniwala ang pangalawang pangulo na maisusulong ang digital accessibility na pantay na mapakikinabangan ng lahat ng kasarian.
Samantala, binigyang-diin naman ni VP Sara na kasabay ng pagtataguyod sa digital education ay ang pagtitiyak na napoprotektahan ang kapakanan ng kababaihan at kabataan laban sa pang-aabuso. I via Hajji Kaamino