Sitwasyon ng mga Pilipino sa Qatar, binabantayan ng Embahada matapos ang pagguho ng isang gusali

Facebook
Twitter
LinkedIn

????????? ?? ??? ???????? ?? ?????, ???????????? ?? ???????? ??????? ??? ??????? ?? ????? ??????

Mahigpit na tinututukan ng Embahada ng Pilipinas sa Doha, Qatar ang sitwasyon ng mga Pilipino sa nasabing lugar

Ito’y kasunod ng pagguho ng isang pitong palapag na gusali na ikinasugat ng dalawang Pilipino kamakalawa.

Batay sa inilabas na bulletin ng Embahada, wala namang Pilipinong nasawi habang all accounted for naman na ang may 43 Pinoy sa nasabing lugar.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang Embahada sa Ministry of Interior ng Doha sa agarang pagbibigay tulong sa mga apektado.

Sa pinakahuling ulat ng Qatari authorities, isa ang kumpirmadong patay habang nagpapatuloy pa ang search, rescue and retrival operations sa iba pang mga natabunan ng gumuhong gusali. | via Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us