S&P Global Ratings, itinaas ang growth outlook ng Pilipinas para sa taong 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinaas ng S&P Global Ratings ang growth forecast para sa Pilipinas ng 5.8 percent para sa taong ito.

Sa unang pagtaya ng S&P Global ito ay nasa 5.2 percent, pero base sa kanilang projection ang Pilipinas ay third-fastest growing economy sa Asia Pacific.

Ayon kay Asia Pacific at S&P Chief Economist Louis Kujis, ang GDP growth outlook sa rehiyon ay itinaas na rin mula 4.3 percent sa 4.6 percent.

Aniya, “optimistic” ang kanilang growth outlook dahil sa muling pagbangon ng ekonomiya ng China na magdudulot ng positibong impact sa ekonomiya ng Pilipinas at Indonesia, dahil sa mataas na domestic demand.

Ang gross domestic product (GDP) growth forecast ng bansa ay mas mabagal ngayon kumpara sa India at Vietnam, ngunit mas mabilis naman sa China, Indonesia, Hongkong, Malaysia, Thailand at iba pang bansa sa Asya. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us