Ipinagutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbuo ng Inter-agency Task Force na tututok sa pag-harmonize o pagpa-pasimple, at pakikipagugnayan sa lahat ng kinauukulang tanggapan ng pamahalaan, para sa mga plano at programa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, bilang suporta sa gagawin nitong hosting ng FIBA Basketball World Cup 2023.
Ang task force na ito ay pamumunuan ng Philippine Sports Commission (PSC) Chairperson.
Magsisilbing miyembro naman ang mga kinatawan mula sa:
Department of Foreign Affairs,
Department of Heath,
Department of Interior and Local Government,
Department of Public Works and Highways,
Department of Tourism,
Department of Transportation,
Bureau of Customs,
Bureau of Immigration,
Philippine National Police,
At Metro Manila Development Authority.
Sa ilalim ng Administrative Order no. 5, inatasan ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan, GOCCs, at SUCs na magpaabot ng suporta sa paghahanda para sa kaganapang ito.
Hinihikayat rin ang LGUs, non-government organizations (NGOs), at pribadong sektor na tumulong sa paghahandang ito.
Pirmado ni Pangulong Marcos ang kautusan, ika-27 ng Marso, 2023. I via Racquel Bayan