?????? ?? ????? ???? ???????? ??? ??? ?????, ????????? ?? ????? ??????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iminungkahi ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee na maglaan ng dagdag na pondo para sa pagtugon sa oil spill sa hinaharap.

Bunsod ito ng oil spill dahil sa lumubog na MT Princess Empress na nakaka-apekto ngayon sa Mindoro at bahagi ng kabisayaan.

Aniya, inamin mismo ng Philippine Coast Guard na limitado ang kanilang kagamitan para tugunan ang ganito kalawak na pagtagas ng langis.

“The disaster caused by the MT Princess Empress oil spill has exposed how ill-equipped we are in responding to threats to our aquatic resources due to oil spills. Kaya’t hihingin po natin na magbigay ng mas malaking pondo para sa oil spill containment equipment sa susunod na budget hearing.”

Bagamat nangako na aniya ng tulong ang Japan, South Korea at Estado Unidos, ay hindi maaaring umasa na lamang aniya parati ang Pilipinas sa tulong ng ibang bansa.

Mas mabilis din daw ang magiging pag-responde sa sakuna kung mayroon nang sapat na kagamitan.

Pinatitiyak din ng mambabatas ang agarang tulong para sa mga komunidad na apektado ng oil spill.

Batay sa datos ng Office of Civil Defense, nasa higit 108,000 katao sa may 118 na barangay sa Oriental Mindoro at Palawan ang naapektuhan. Mayroon ding 32,000 na pamilya sa may 68 na lugar sa MIMAROPA at Western Visayas ang apektado. I via Kath Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us