Naging walk in the park ang naging panalo ng De La Salle University kontra sa archrival na Ateneo de Manila University sa kanilang first round tussle sa UAAP Season 85 Womenβs Volleyball Tournament sa Mall of Asia Arena kahapon.
Nilampaso ng Lady Spikers ang Blue Eagles, 3-0, 25-16, 25-20, 25-12.
Nanguna para sa La Salle si Angel Canino na may 23 points on 21 attacks, isang ace at isang block, siyam na digs, at limang receptions.
Dahil sa panalo, nasa 3-0 na ang Lady Spikers habang nasa 1-2 naman ang Ateneo.
Sa ibang resulta ng Womenβs Volleyball Tournament, nanaig ang Unibersidad ng Pilipinas kontra sa University of the East in four sets, 22-25, 25-18, 25-19, 25-20.
Magpapatuloy ang Womenβs Volleyball Tournament ng UAAP sa Miyerkules, sa Araneta Coliseum. | ulat ni Aaron Bayato