????????? ?? ????. ?????? ??. ?? ????????? ??? ??????????? ???????, ????????? ????????? ?? ???

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tututukan ng Department of National Defense (DND) ang territorial defense ng bansa alinsunod sa direktiba ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ang inihayag ni DND Officer in Charge Sr. UnderSecretary Carlito Galvez Jr., kasabay ng pagsabi na ang pagsulong ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos ang isa sa mga paraan para mapaunlad ang defense capability ng bansa.

Binigyang-diin ni Galvez na ang EDCA ay hindi para sa pakikipag-giyera o pakikialam sa domestic issues ng ibang bansa kundi para sa β€œdeterrence”.

Ang pahayag ni Galvez ay sa gitna ng pagtutol ng ilang mga lokal na opisyal sa paglalagay ng mga EDCA sites sa kanilang nasasakupan.

Sinabi ni Galvez na nauunawaan niya ito, pero dapat din aniyang ikonsidera na ang Pilipinas ay napapalibutan ng karagatan sa Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran, na kailangang i-monitor at ipagtanggol.

Kaya target aniya ng DND na makamit ang tamang bilang at lokasyon ng mga EDCA sites para ma-maximize ang coverage sa bansa. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us