?????? ?? ??????? ?? ??? ?????? ?? ????????? ?? ??????, ???????? ???????, ???????????? ?? ?? ????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatutok na rin ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa hinihinalang oil spill sa karagatan ng Naujan, Oriental Mindoro.

Ayon sa DENR, nagpadala na ito ng mga tauhan para mag-inspeksyon sa lumubog na MT Princess Empress na isang oil tanker.

Kabilang sa minomonitor ng ahensya ang posibleng epekto sa marine biodiversity at banta sa kaligtasan at kabuhayan na dulot ng pagkalubog ng barko.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya ito sa lokal na pamahalaan ng Naujan at Philippine Coast Guard (PCG) na unang rumesponde at nagmobilize ng oil spill response sa naturang karagatan.

Nauna na ring iniulat ng PCG na mayroong karagatang 800,000 litro ng industrial fuel oil ang lumubog na oil tanker. | ulat ni Merry Ann Bastasa

?: PCG

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us