Magsisilbing sukatan para sa mga Pilipino kung tanggap pa nito ang bakuna sa COVID-19 sa sandaling magsimula nang mag-rollout ng bivalent booster shots.
Ito ang sinabi sa Laging Handa ni Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante sa harap ng mababa pa ring turn out kung pag-uusapan ay bilang ng mga nakapagpa-booster shot.
Ayon kay Solante, maraming mga bakuna ang hindi na nagagamit pa sa kabila ng maigting na kampanya ng pamahalaan hinggil sa vaccination kaya’t magsisilbi aniyang panukat ang bivalent booster rollout kung tinatangkilik pa ng publiko ang bakuna.
Pero sana, sabi ni Solante, ay tanggapin ito ng mga tao para na rin sa ikapananatili ng proteksiyon ng bawat isa at manatiling mababa ang kaso at wala ng transmission.
Base sa tala ng Department of Health (DOH), nasa 21 million na mga indibidwal pa lang ang nakakakuha ng COVID-19 booster shot sa bansa. | ulat ni Alvin Baltazar