??????????? ???????? ????????? ??????, ?????????????? ?? ??? ?? ?????????? ???

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinulong na ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang ilan sa mga jeepney operator at driver association (JODA) sa lungsod para personal na alamin ang pulso ng mga ito sa ikinakasang weeklong transport strike.

Kasama sa pulong ang ilan sa mga transport coop: NOVADECI Transport Cooperative, Novaliches Malinta Jeepney Transport Cooperative (NMJTC), Malabon Jeepney Transport Cooperative (MAJETSCO), Blumentritt Transport Service Cooperative (BTSC), Metro Valenzuela Transport Cooperative (MVTC), Valenzuela Bignay Meycauayan Transport Cooperative, at KARTUJODA Transport Cooperative.

Ayon sa alkalde, malaki ang bilang ng transport group sa Valenzuela na hindi sasali sa strike at tuloy pa rin ang pasada.

Bukod dito ay nakahanda rin aniya ang lokal na pamahalaan na mag-deploy ng Libreng Sakay trucks sa mga piling ruta.

Dahil dito, kumpiyansa si Mayor Wes na hindi lubusang maapektuhan ang mga pasahero sa Valenzuela ng bantang transport strike. | ulat ni Merry Ann Bastasa

?: Valenzuela LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us