Maliit na porsiyento lang ng mga pampasaherong tsuper ang sumama sa tigil pasada ayon yan sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sa monitoring ng LTFRB, kaninang 11AM, nasa 10 percent lang ng ruta sa Metro Manila habang 5 percent naman sa buong bansa ang naapektuhan ng transport strike.
Ayon kay LTFRB Technical Head Chief Joel Bolano, karamihan din ng rehiyon ay walang transport strike.
Kaugnay nito, muli namang nanawagan ang ahensya sa mga sumama sa strike na makipagdiyalogo nalang sa pamahalaan dahil handa naman silang makipagkompromiso.
Nananatili pa rin aniyang bukas ang kanilang pinto para pakinggan ang hinaing ng mga ito, nang hindi na tumagal sa isang linggo ang hirap din sa pagsakay ng ilang commuter.
Tiniyak naman ng LTFRB, na mananatili ang contingency measures ng pamahalaan gaya ng libreng sakay hanggaβt umiiral ang transport strike. | ulat ni Merry Ann Bastasa