Mas maraming trabaho ang malilikha para sa mga Pilipino, kasabay ng patuloy na pagpapabuti ng public transport system sa bansa.
Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ceremonial signing ng contract package ng electro mechanical systems at track works para sa North-South Commuter Railway System (NSCRS), ngayong araw, March 3.
βLadies and gentlemen, we recognize the fact that an efficient transportation system will have a multiplier effect on employment and on the economy.” β Pangulong Marcos
Bukod dito, patatatagin rin aniya nito ang kahinaan ng bansa sa supply chain na idinulot ng pandemiya.
βFurthermore, it will strengthen what we have seen our weaknesses in the supply chain, that have been brought about by the pandemic economy, that have been brought about by the crisis in Ukraine and that we now must attend to if we are going to be able to say that we will grow the economy, that we will make it stronger, we will make it more sustainable, and we will make it more effective at improving the lives of our countrymen.β β Pangulong Marcos
Ayon sa pangulo, maituturing na landmark initiative ang proyektong ito na magiging daan upang mas maging connected ang Pilipinas.
βThese endeavors will mark a new era of prosperity for the Philippines at a time when we are navigating ourselves in what has become called the New Normal.β β Pangulong Marcos
Kaugnay nito, pinasalamatan ni Pangulong Marcos ang financial support ng Japan International Cooperation Agency (JICA), at ang effort ng Department of Transportation (DOTr) para sa panibagong milestone na ito.
Matatandaang layon ng 147.26-kilometer railway project na ito na pababain ang travel time sa pagitan ng Clark International Airport at Calamba City, Laguna, sa dalawang oras mula sa kasalukuyang apat na oras.
Sa oras na makumpleto sa 2029, kaya nitong mag-accommodate ng 800,000 na pasahero kada araw.
Ang proyektong ito ay nagkakahalaga ng Php873.62 billion, at co-financed ng Asian Development Bank (ADB) at JICA. | ulat ni Racquel Bayan