Mas maraming transport groups sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ang nagpahayag ng pagtutol sa pinaplanong week-long transport strike, simula bukas, March 6, laban pa rin sa Public Utility Vehicles (PUV) Modernization Program ng gobyerno.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secterary Cheloy Velicaria Garafil, sa National Capital Region (NCR) lamang, nasa 11 malalaking jeepney at UV groups ang nagpahayag ng pagtutol sa planong tigil-pasada ng groupong Manibela.
Kabilang sa mga hindi sasali sa tigil pasada ang National Federation of Transport Cooperatives (NFTC), Alliance of Transport Operators’ & Drivers’ Association of the Philippines (ALTODAP), Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP), Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), Pasang Masda (PM) Jeepney, Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), Stop and Go Coalition, Senate Employees Transport Service Cooperative (SETSCO), UV Express National Alliance of the Philippines (UV Express) at ACTO NA CORP.
“In Valenzuela City, seven transport groups have dissociated themselves with the transport strike organizers and vowed to ply their routes in the city, Mayor Wes Gatchalian reported,” ani Secretary Garafil.
Ayon sa kalihim, sa Northern Mindanao, nasa 50 transport groups ang hindi rin makikibahagi sa strike, simula bukas, March 6.
“The NOMFEDTRASCO expressed strong support behind Memorandum Circular 2023-013 and the PUV Modernization Program. It also denied affiliation with the MANIBELA,” dagdag ni Secretary Garafil.
Kung matatandaan, una na ring tiniyak ng Palasyo na nakalatag na ang plano ng pamahalaan sa pagbibigay ng Libreng Sakay sa mga maaapektuhang commuters, sa tigil-pasada bukas.
“The Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) assured the riding public that there will be No fare increase for passengers who will be affected by the week-long transportation strike starting on March 6. According to LTFRB, among the vehicles that the agency has pre-positioned are rescue buses on routes of Public Utility Jeepney (PUJ) and UV Express with inadequate supply of public vehicles,” pahayag ni Secretary Garafil. | ulat ni Racquel Bayan