Isinusulong ni Senator Jinggoy Estrada ang mas mataas na compensation sa mga government social worker sa bansa.
Ito ay sa pamamagitan ng pag amyenda nito sa Republic Act No. 9433 o ang Magna Carta for Public Social Workers, na layong itaas sa Salary Grade 13 na may katumbas na P31,320 na buwanang suweldo bilang entry-level na pasahod sa isang Junior Officer Public Social Worker.
Ayon pa kay Senator Jinggoy, ang nasabing panukala ay saklaw ang lahat ng rehistradong social workers na naninilbihan sa gobyerno kabilang ang mga nasa ilalim ng mga job order o contracts of service.
Paliwanag pa ng senador, kailangan nating pangalagaan ang ating mga social worker na walang sawang tumutupad sa kanilang mabigat at mahalagang papel sa ating lipunan. | ulat ni AJ Ignacio
Photo: DSWD